LOVE AND MAGIC 2 – King’s Tears by Sofia
Teaser:Umikot ang mundo ni Yelena sa pagpipinta. Wala siyang panahon sa pag-ibig at lalo na sa engkanto. Pero nang matagpuan niya ang sarili niya sa Tarragon, ang mundo kung saan sinasabi ng mga nilalang na engkanto ang mga ito at siya ang nakatakdang prinsesa ng mga ito, parang mas gusto na lang niyang tumalon sa dagat-dagatang apoy na nakatakda para sa mga suwail. Lalo na’t walang lugar ang mundong iyon para sa mga taong tulad niya.
Nagbago ang isip niya nang malamang ang guwapong si Andros ang kanyang prinsipe. Dahil ang gusto lang niya ay makulong sa bisig nito.
Subalit hanggang saan siya dadalhin ng pagmamahal niya dito?
Nagbago ang isip niya nang malamang ang guwapong si Andros ang kanyang prinsipe. Dahil ang gusto lang niya ay makulong sa bisig nito.
Subalit hanggang saan siya dadalhin ng pagmamahal niya dito?
LOVE AND MAGIC 5 – Once in a Red Moon by Sofia
Teaser:Isang misteryo para kay Aricka ang sarili niyang pagkatao. Hanggang nabingit sa kamatayan ang kaibigan niyang si Faith dahil sa isang kakaibang sakit na dala ng isang sumpa. At siya lang ang maaring makatulong dito.
Kaya naglakbay siya patungo sa Isla ng Ilusyon kasama si Kraven, ang kapatid ni Faith at pinaka-importanteng lalaki sa buhay niya. Pero may iba na itong babaeng mahal. Ang babaeng nabubuhay lang sa panaginip nito.
At maari lang mabuhay ang babaeng mahal nito kung mamamatay siya.

LOVE AND MAGIC 8 – Flame Flower by Sofia
Teaser:Nabuhay si Liatris sa mundo ng mga Vinca na kaiba ang paniniwala. Ang mga babae ang namamayani habang ang mga lalaki ay walang silbi kundi bilang alipin at tagabigay lamang ng anak. Walang pag-ibig. Walang kasal. Dahil ang dalawang bagay na iyon ang makakasira sa isang babae.
Natuklasan niya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig nang maging alipin niya si Cid. Nakahanda siyang baliin ang lahat ng batas at paniniwala niya para dito. Maging ang talikuran ang lahat ng Vinca. Ngayon ay siya na ang alipin ng pag-ibig nito.
Ngunit ano ang pipiliin niya? Ang kamatayan o ang katotohanan na di siya ang mahal nito?

LOVE AND MAGIC 16 – Sea Enchantress by Sofia
*Teaser to be followed