NOVEL TRANSLATION - Baby Bonanza by Maureen Child
Teaser:
Isa lang ang dahilan ni Jenna sa pagpunta sa cruise—ang komprontahin si Nick Falcon. Kapag nagawa na niya iyon, tapos na ang misyon niya at babalik na siya sa kanyang normal na buhay. Hindi na niya hahayaang muling mahulog siya rito at ipagsapalaran na naman ang kanyang puso.
Ngunit nang magkaharap na sila, hindi niya magawang paglabanan ang atraksiyon dito. Hindi siya makatakas sa yakap at halik nito. At na-realize niya, mahabang panahon mang hindi sila nagkita, baliw pa rin pala ang puso niyang nagmamahal dito

NOVEL TRANSLATION - Marchese's Forgotten Bride
Teaser:
Pagkalipas ng anim na taon ay muling nakita ni Cassie si Sandro Rossi. Subalit hindi na ganoon ang itinatawag dito kundi “Alessandro Marchese.” Higit sa lahat, hindi na siya maalala nito at maging ang gabing pinagsaluhan nila bago ito tuluyang nawala sa buhay niya.
Subalit nararamdaman pa rin niya ang atraksiyon dito. Kahit gusto niyang kamuhian ito ay ito pa rin ang itinitibok ng kanyang puso.
Paano kung hindi siya mahal nito katulad ng sinabi nito noon? Pakiramdam kasi niya ay sinasadya nitong kalimutan siya dahil isa lang siyang pagkakamali para dito. Tama bang patuloy niya itong mahalin, o kalilimutan na lamang niya ito gaya ng paglimot nito sa kanya?

NOVEL TRANSLATION - The Billionaire's Bride of Vengeance
Teaser:
Bumalik si Nicole sa Pilipinas para kunin ang mga naiwan niyang gamit sa mansiyon nila sa Tagaytay na niremata na ng bangko. Nagkrus doon ang mga landas nila ni Russell McClain, ang lalaking nakabili ng mansiyon. Unang kita pa lang niya rito ay naramdaman na niyang parang may galit ito sa kanya. Labis na ipinagtaka niya iyon dahil hindi naman niya kilala ito.
Gayunman, hindi maitatago ang matinding atraksiyon nila sa isa’t isa. Sa maikling panahon ay umibig siya rito. At nang yayain siya nitong pakasal ay agad na pumayag siya.
Pero napagtanto niyang marami pa siyang hindi alam tungkol sa lalaking mahal niya, kabilang na ang nakaraan nito. At sa mismong araw ng kasal nila niya nalaman na hindi pala tadhana ang may gawa kung bakit sila nito pinagtatagpo.

NOVEL TRANSLATION - The Blackmailed Bride
Teaser:
Kailangang-kailangan ni Christina ng taong tutulong sa kanya para sagipin ang Santa Rosa—ang lupaing pinakamamahal niya—mula sa mga taong gustong kamkamin iyon. Ngunit isang tao lang ang nakahandang tumulong sa kanya—si Luis, ang lalaking minahal niya nang labis noon ngunit kinailangan niyang palayain dahil hindi siya ang babaeng nababagay rito.
Ayaw niyang tanggapin ang alok na tulong nito dahilang kapalit niyon ay nais nitong maikasal sila sa lalong madaling panahon. Gusto rin nitong bigyan niya ito ng mga anak.
Aminado siya, mahal na mahal pa rin niya ito. Ito lamang ang lalaking minahal niya sa buong buhay niya bagaman taliwas doon ang pagkakaalam nito.
Muli ay kailangan niyang tanggihan ang alok nitong kasal. Alam niya kasing pagsisisihan nito ang bagay na iyon kapag nalaman nito ang pinakatatagu-tago niyang lihim

NOVEL TRANSLATION - Falling for the Secret Heiress
Teaser:
Isa lang ang pakay ni Lauren mula sa tunay niyang ina—ang malaman kung ano ang nangyari nang araw na maaksidente ang papa niya. Subalit gulo ang nilikha ng presensiya niya sa tunay nitong pamilya. She was the illegitimate child, isang kasiraan sa pamilya ng mga Altatorre.
At isang malaking balakid sa mga plano niya si Gage Ferrer, ang makulit na kliyente niya at espiya ng kapatid niya. Mukhang ipinadala ito para gawing miserable ang buhay niya.
Pero ang mas malaking problema niya ay kung paano lalabanan ang atraksiyong nararamdaman niya para dito.

NOVEL TRANSLATION - The Bellini Bride
Teaser:
Sumikat si Antonia bilang tampok na nude model para sa isang sikat na pintor at sa koneksiyon niya sa isang painting na pinag-uusapan ng lahat. Dahil din doon kaya nakuha niya ang atensiyon ng guwapo at ubod ng yamang negosyante na si Marco Bellini.
Mahal niya si Marco kaya pumayag siyang makipagrelasyon dito sa kabila ng kaalamang hindi siya ang tipo ng babaeng pakakasalan nito. Sasamantalahin niya ang panahong makakasama niya ito dahil alam niyang isang araw ay maaaring mawala ito sa buhay niya kapag nalaman nito ang pinakaiingatan niyang sekreto.
Hiling na lang niya na sana ay matutuhan siya nitong mahalin habang magkasama sila, sapat para manatili ito sa tabi niya kahit ano pa ang matuklasan nito tungkol sa pagkatao niya…

NOVEL TRANSLATION- Heart Match by Leanne Banks
Teaser:Para itaboy ang mga lalaking inirereto sa kanya ng kanyang ama, sa tuwina ay nagpapanggap si Tara na isang pangit at baduy na babae. Subalit hindi umepekto iyon sa bagong lalaking inirereto sa kanya. Masyadong matalino si Dr. Nicholas Delgado para malinlang niya. At gaya niya, gusto rin nitong itaboy ang mga babaeng inirereto rito ng mama nito.
Nagkasundo silang magpanggap na magkasintahan para tigilan na sila ng kanya-kanyang magulang at hindi na sila ireto pa sa kung sinong tao. Sa ganoong paraan ay magagawa na nilang tuparin ang kanya-kanyang pangarap.
Subalit ang simpleng pagpapanggap ay hindi inakala ni Tara na mauuwi sa pag-ibig. Pero sa parte lamang niya

NOVEL TRANSLATION- You belong to Me
Teaser:
Para itaboy ang mga lalaking inirereto sa kanya ng kanyang ama, sa tuwina ay nagpapanggap si Tara na isang pangit at baduy na babae. Subalit hindi umepekto iyon sa bagong lalaking inirereto sa kanya. Masyadong matalino si Dr. Nicholas Delgado para malinlang niya. At gaya niya, gusto rin nitong itaboy ang mga babaeng inirereto rito ng mama nito.

NOVEL TRANSLATION- The Melendez Forgotten Marriage
Teaser:
Nagising si Emelia sa ospital na hindi niya naaalala ang dalawang taong nangyari sa buhay niya. Nagulat siya nang isang guwapong lalaki na nagngangalang “Javier Mélendez” ang nagpakilalang asawa niya.
Hindi niya ito maalala. Hindi rin niya makilala ang sarili niya. Lahat ng bagay sa paligid niya ay nagsasabing iba ang Emelia na pinakasalan ni Javier sa pagkakakilala niya sa kanyang sarili. Sinasabi ng lahat na gold digger at mababaw siyang babae. Na pera lang ang minahal niya kay Javier; na nang maaksidente siya ay iniwan niya ito at sumama siya sa ibang lalaki.
Subalit bakit iba ang sinasabi ng puso niya? Sinasabi niyon na mahal niya si Javier kahit hindi niya maalala kung mahal nga niya ito. Pero kaya pa ba siyang mahalin nito gayong namumuhi ito sa kanya?

NOVEL TRANSLATION- The Billionaire's Bride of Innocence
Teaser:
Megan thought she had a fairy-tale wedding. Kasal siya kay James Logan, isa sa pinakasikat na advertising managers sa bansa. And with a baby on the way, everything was perfect.
Subalit isang masakit na kasinungalingan ang natuklasan niya. Hindi siya mahal ng asawa niya at interesado lang ito sa kanya dahil kaya niyang bigyan ito ng anak.
Gumuho ang mundo niya. Gusto niyang iwan ito subalit humingi ng pangalawang pagkakataon si James sa kanya. Pero hindi na siya mapapaikot nito gaya ng dati. Hindi niya ibibigay rito ang anak na gusto nito
Buong akala niya ay matagumpay niyang maililihim ang binabalak niya, ngunit natuklasan nito iyon. Paano niya haharapin ang poot nito kung ang puso niya ay patuloy pa ring nagmamahal dito?

NOVEL TRANSLATION- Falling for the Ruthless Tycoon
Teaser:
When Marietta was sixteen, she offered herself to Yannis Markides, the man she loved. Ngunit tinanggihan siya nito. Isang napakasakit na pangyayari iyon sa buhay niya na hindi niya malimutan.
After thirteen years, nagkita silang muli. She was now matured and had grown more beautiful. May inihayag itong proposal sa kanya: nais nitong makapiling siya nang isang gabi.
Isang gabi kasama ito.
Sa loob ng labintatlong taon ay sinabi niya sa sarili na tapos na siya rito, na inalis na niya sa isip ang alaala nito.
Ngunit mahal pa rin niya ito. At iyon na ang pagkakataon niya upang makasama ito.
Kung papaya siya na may mamagitan sa kanila, paano na siya pagkatapos niyon?