Sweet Curse By Sofia
Teaser:Mortal na magkaaway sina Claude at Evan. Parang nilikha sila para buwisitin ang isa’t isa. Nang minsang mapuno si Evan sa kanya ay isinumpa nito: “isinusumpa ko na tatanda kang mag-isa. Hindi ka makakatagpo ng kaligayahan sa kahit sinong lalaking mamahalin mo… Magdurusa ka muna bago mo siya makuha. Tandaan mo iyan.”
Wala sa diksiyonaryo ni Claude ang maniwala sa mga sumpa pero nang magsunod-sunod ang kamalasan niya sa pag-ibig, napilitan siyang lumapit kay Evan para tanggalin nito ang sumpa. Tutulungan daw siya nitong maalis ang sumpa sa isang kondisyon—magpapanggap siyang nobya nito para mapaniwala ang babaeng gusto nito na totoo itong lalaki at hindi isang bading.
Ngunit talaga yatang pagsubok sa kanyang matagpuan pa ang lalaking nakatadhana para sa kanya. Na-in love na kasi siya sa kanyang mortal na kaaway…

Saving All My Love For You By Sofia
Teaser:Sumama si Tatiana sa high school class reunion nila sa Anawangin para makita uli si Craig, ang lalaking mahal niya. Ang akala niya ay natupad na ang pangarap niya nang pasukin siya nito sa tent para dalhan ng hot tea para sa hangover niya kaya hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon at hinalikan niya ito. Subalit sa panggigilalas niya ay hindi si Craig ang kasama niya kinabukasan kundi si Antonov—ang lalaking kontrabida sa buhay niya.
Ang masaklap pa ay pinalabas nito sa lahat na patay na patay siya rito. Paano na siya makakadiskarte kay Craig? At paano pa niya maiisip si Craig kung mukhang kumikiling ang puso niya kay Antonov?
Kaaway ba talaga ito ng puso niya, o magkasabwat ang mga ito para bulabugin ang mundo niya?

If Only Love By Sofia
Teaser:Toni was on the top of the world. She was an icon, a multimedia star and the envy of many artists in her generation. She had a perfect boyfriend and everything at her whim. Subalit sa isang iglap ay nawala sa kanya ang lahat. Pakiramdam niya ay wala nang kuwenta ang buhay niya. Subalit may isang taong nagpabalik ng pag-asa niyang mabuhay—si Rushmore, ang lalaking minsang bumigo sa kanya.
Rushmore hated her guts at first. Subalit ito ang naging sandigan niya nang panahong akala niya ay wala na siyang pag-asa. His love made her live again.
Ngunit bumalik si Toni sa kawalang-pag-asa nang matuklasan niya na isang pagbabalatkayo lang pala ang pag-ibig ni Rushmore.

Forever With Mr. Right Now By Sofia
Teaser:Nang magkaroon ng pangalawang pagkakataong mabuhay ay naging misyon na ni Yrene ang ilayo ang nanay niya sa mga gigolo na ang gusto lang ay ang pagkaperahan ito. At ang latest apple of the eye ng nanay niya—si Edward Melendez, ang guwapo at makisig na dancer-turned-gym owner sa tapat ng bahay nila.
Wala siyang ibang magagawa kundi ang akitin si Edward palayo sa nanay niya. Pero sa pang-aakit niya kay Edward, parang siya naman ang naaakit dito… at nai-in love. Disaster ito. Pansamantalang kaligayahan lang ang iniaalok ni Edward sa kanya. Pero kaya ba niya itong idispatsa sa buhay niya kung ito lang ang lalaking nakapagpasaya at nagbigay ng kulay sa buhay niya?

Baby, Be Mine By Sofia
Teaser:Nawala ang lahat ng mga ari-arian ng pamilya ni Krystinia nang masangkot sa pyramid scam ang kapatid niya at makulong ito. Sa kamalas-malasan ay inatake pa sa puso ang kanilang ama. Nobody wanted to help them out. Kahit ang malalapit na kaibigan nila ay tinalikuran na sila. At nang makiusap siya kay Warrick Evaristo na huwag nitong ituloy ang hostile takeover sa kompanya ng kanyang ama, ibang offer naman ang inialok nito sa kanya.
“Puwede kong solusyunan ang lahat ng problema mo at ng pamilya mo sa isang iglap. Just give me a child.”
Warrick was not the marrying kind. Kailangan lang daw nito ng anak para may maiwang tagapagmana. Napakamisteryoso rin nito dahil walang alam si Krystinia tungkol dito maliban sa ulilang-lubos na ito. But it didn’t stop her from falling in love with him.
Pero hanggang saan ang itatagal ng pagmamahal niya rito kapag nalaman niyang ang nais nito ay
wasakin ang pamilya niya sa simula pa lang?

Second Once In A Lifetime By Sofia
Teaser:
Sa loob ng isang taon, walang ginawa si Ceress kundi takasan ang asawa niyang si Alekos Basañez. Ayaw niyang makita pa ito kahit kailan pagkatapos niyang malaman na hindi siya ang babaeng totoo nitong mahal at ginamit lang siya nito para saktan ang ibang babae. She wished she could just forget him and everything about their past.
Subalit dahil sa sakit ng pamangkin niya, napilitan siyang humingi ng tulong kay Alekos. Isa lang ang kondisyon nito para tulungan siya: ang bumalik siya sa piling nito at bigyan niya ito ng mga anak

Muling Magmamahal Dahil Sa Iyo By Sofia
Teaser:Hindi makapapayag si Janis na tuluyang mawala sa kanya ang pinakamamahal niyang si JM. Hindi niya matanggap ang dahilan ng pakikipaghiwalay nito sa kanya. Takot daw ito dahil baka masaktan lang daw siya kagaya ng ginawa ng tatay at kapatid nitong parehong babaero. Para mabawi ito, kailangang patunayan niya rito na sila ang para sa isa’t isa.
Kaya hiningi niya ang tulong ng kapatid nitong si Vermont na ubod ng babaero at walang sineseryosong babae. Umaasa siyang kapag nakita ni JM na magkasama sila ng kapatid nito ay babawiin siya nito.
Pero mukhang mapapa-trouble ang puso niya sa piling ni Vermont. Pakiramdam niya ay naliligaw siya at hindi na niya alam kung paano babalik kay JM.